ISANG AKAP (TULA PARA SA MGA INA)

- Advertisement (970x250 Desktop) -

- Advertisement (300x250) -

PAGEONE Spotlight

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

ISANG AKAP (TULA PARA SA MGA INA)
Ni:Kelly John A. Biasong

Tulad ng paghihirap ng isang nanay
Mula pagdadala hanggang masilayan
Patuloy mo nga akong inalagaan
Binuhat mo mabigat man o magaan

- Advertisement (300x250) -

Mula paglaki nandyan ka lang sa tabi
Hindi mo iniwan kahit hating gabi
Ikaw pa nga naglalagay ng twalya
At sa iyong haplos akoy sumasaya

Ikaw na nga ay bigay ng Diyos saakin
Sana ina sa muli kong pag-gising
Ako ay iyong yakap at hagkang muli
At ang lahat ng itoy hindi pa huli

Ang pag-ibig mo ngay hindi magwawakas
Kahit ang panahon ko man ay lumipas
Alaala moy hindi ko malilimutan
At palagi nalang ako nasasaktan

Ngayong ngang matanda na ang aking ina
At siyay patuloy na nanghihina
Kami naman sayo ay mag aalaga
At sa mga Darating pa nga na umaga

Nandito kami sa iyo ay sasama
Magtutulong kami kasama si ama
aawitan ka at laging sasamahan
tulad ng isang batang pinapatahan

Dito na nga ba magtatapos ang lahat?
ang lahat ba ng ito ay naging sapat?
Iniiwan mo na nga kami aking ina!
at ngayong kami ina ay lumuluha.

💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕

Itong tulang ito ay ginawa ko habang nakaduty sa isang hospital na inspire ako kasi nakita ko ang hirap ng isang nanay, na binibigay lahat ng kanyang lakas maisilang lang ang sanggol na nasakanyang sinapupunan masarap isipin kapag may nanay kapa lalo na’t may gumagabay pa saiyong magulang , kaya habang nandyan pa sila pahalagahan hindi lang tuwing mothers day kundi araw-araw ,minsan  kasi nababalewala natin ang ating mga magulang sabi nga ng isang quote ”We are so busy growing up, we often forget that they are also getting old”. kaya sa lahat ng mga anak magiging magulang kadin someday  pahalagahan mo  kung ano ang meron kapa. 

This article has been initially published last

What can you say about this story?

- Advertisement (300x250) -

What's the latest?

- Advertisement (970 x 250 Desktop) -