ISANG AKAP (TULA PARA SA MGA INA)
BY:Kelly John A.biasong
Tulad ng paghihirap ng isang NANAY
Mula pagdadala hanggang masilayan
Patuloy mo nga akong inalagaan
Binuhat mo mabigat man o magaan
Mula paglaki nandyan ka lang sa tabi
Hindi mo iniwan kahit hating gabi
Ikaw pa nga naglalagay ng twalya
At sa iyong haplos akoy sumasaya
Ikaw na nga ay bigay ng Diyos saakin
Sana ina sa muli kong pag-gising
Ako ay iyong yakap at hagkang muli
At ang lahat ng itoy hindi pa huli
Ang pag-ibig mo ngay hindi magwawakas
Kahit ang panahon ko man ay lumipas
Alaala moy hindi ko malilimutan
At palagi nalang ako nasasaktan
Ngayong ngang matanda na ang aking ina
At siyay patuloy na nanghihina
Kami naman sayo ay mag aalaga
AT sa mga Darating pangang umaga
Nandito kami sa iyo ay sasama
Magtutulong kami kasama si ama
aawitan ka at laging sasamahan
tulad ng isang batang pinapatahan
Dito na nga ba magtatapos ang lahat?
ang lahat ba ng ito ay naging sapat?
Iniiwan mo na nga kami aking ina!
at ngayong kami ina ay lumuluha
Itong tulang ito ay ginawa ko habang nakaduty sa isang hospital na inspire ako kasi nakita ko ang hirap ng isang nanay, na binibigay lahat ng kanyang lakas maisilang lang ang sanggol na nasakanyang sinapupunan masarap isipin kapag may nanay kapa lalo na’t may gumagabay pa saiyong magulang , kaya habang nandyan pa sila pahalagahan hindi lang tuwing mothers day kundi araw-araw ,minsan kasi nababalewala natin ang ating mga magulang sabi nga ng isang quote ”We are so busy growing up, we often forget that they are also getting old”. kaya sa lahat ng mga anak magiging nanay kadin someday pahalagahan mo kung ano ang meron kapa
HAPPY MOTHERS DAY SA LAHAT NG NANAY AT SOON TO BE NANAY:)